Monday, October 28, 2013

Bata nahulog sa kanal patay

ISANG batang babae ang nalunod at binawian ng buhay dahil sa malakas na pagbaha sa Barangay El Nunok sa Banga, South Cotabato.


Ang naturang impormasyon ang nakuha kay Banga Vice Mayor at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) Action Officer Aguinaldo Inocente.


Ito ay base na rin sa nakuha nilang report sa kanilang isinagawang monitoring dahil naman sa patuloy na malakas na pag-ulan.


Kinilala ang naturang biktima na sa si Hearty Hadraque, 12-anyos at residente ng naturang barangay.


Ayon sa report, nahulog ang bata sa kanal alas 2:00 kahapon at tinangay ng malakas na daloy ng tubig at nakita ito alas 3:30 na ng hapon na nakasabit sa isang alambre na nakalagay sa naturang kanal.


Ayon kay Vice Mayor Inocente, may buhay pa nang makita ang bata at agad na dinala sa ospital pero binawian din ng buhay.


The post Bata nahulog sa kanal patay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bata nahulog sa kanal patay


No comments:

Post a Comment