ZAMBOANGA CITY – Umapela kahapon ang House Committee on Muslim Affairs sa lokal na pamahalaan ng Zamboanga City na konsultahin muna ang 30,000 pamilya, karamihan ay Muslim, bago ilipat ang mga ito sa rehabilitation site ng pamahalaang lungsod.
Ayon kay Rep. Tupay Loong, chairman ng komite na dumating kahapon dito, matindi ang pangangailangang magsagawa ang pamahalaang lungsod ng konsultasyon sa mga pamilyang apektado sa paglalaban ng militar at Moro National Liberation Front (MNLF) bago ipatupad ang relokasyon sa mga ito.
Aniya, ang nasabing hakbang ay upang maunawaan ang “traits and tradition” ng mga Muslim-Badjao at tribung Sama, at ang pamumuhay ng mga ito bago isagawa ang relokasyon.
“If you give house and lot to a Muslim Badjao or Sama in the mainland, no matter how nice and beautiful it is, they will look for a way to go back to the shore because they used to live along the shoreline of the sea aboard their vintas as their home,” sabi ni Loong.
Ang pinagkukuhanan ng kabuhayan ng mga apektadong residente ang isa sa mga dapat ikonsidera ng pamahalaang lungsod bago isagawa ang relokasyon.
Sinabi ni Loong na isinagawa rin kahapon ang isang pulong sa mga Muslims leader mula sa mga apektadong barangay ng Sta. Catalina, Sta. Barbara, Rio Hondo, Kasanyagan at Mariki.
Nakahanda na ang blue print ng pamahalaang lungsod para sa paglilipatan sa 29,000 pamilya na lumikas sa kasagsagan ng 22-araw na paglalaban ng militar at MNLF. – Nonoy E. Lacson
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment