Laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)
3:30 p.m. University of Santo Tomas vs National University
Ni Marivic Awitan
Posible kayang talunin ng number four ang number one?
Maituloy kaya ng University of Santo Tomas ang maituturing na epikong pagbangon buhat sa pinakahuling spot nang pumasok sila sa Final Four round na muling pataubin ang top seed na National University sa kanilang winner-take-all match ngayon sa pagpapatuloy ng semifinals action sa 76th UAAP men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum?
Ang matinding pananampalataya ng kanilang fans at buong Thomasian community ang isa sa matibay na sandigan ng koponan kung bakit nabura ang twice-to-beat advantage ng Bulldogs noong nakaraang Linggo kayat tatangkain ng Tigers na masundan ang naunang 71-62 panalo para muling makabalik sa kampeonato.
“Todo bigay na ito. Sabi ko nga we have nothing to lose here. Dito lang sa naabot namin ay napakalaking achievement na para sa team. But since nandito na kami, wala nang urungan.
Laban na kung laban, hindi namin sasayangin ‘yung tsansang ibinigay sa amin,” pahayag ni UST coach Pido Jarencio.
Maliban sa maalab na suportang ibinibigay ng kanilang mga tagasuporta, muling gagamitin ng Tigers ang kanilang ipinagmamalaking puso, pride at palaban na attitude sa laro.
Sa kabila ng mga pangyayari, nais namang mapanatili ng NU ang positibong pananaw sa kanilang tsansa para sa hangad na unang kampeonato matapos ang nakalipas na 59 taon magmula nang una at huli silang magkampeon noong 1954.
“We want to stay positive. Hopefully, we can make full use of the twice-to-beat advantage,” pahayag naman ni coach Eric Altamirano. “Hopefully, we can correct those mistakes in the second game.”
Tinutukoy nito ang naging mabilis na pagtiklop nila sa tila pader na depensang itinayo ng UST, partikular sa kanilang mga main men na sina Emmanuel Jean Mbe at Bobby Ray Parks.
Katunayan, mismong si Parks ay naghayag ng kanyang hinaing sa malagkit na depensang ginawa sa kanya ni Kevin Ferrer.
Gayunman, para sa UST forward, wala itong personalan, trabaho lang ang lahat para sa kanya dahil gusto niyang manalo ang kanyang team.
Ngunit sa kabila nang lahat ng ito, inaasahang hindi mawawala ang sinasabing aspetong pisikal sa laro lalo pa at nakataya ang karapatang makaharap ang nauna nang finalist na De La Salle. Magtatagpo ang dalawang koponan sa ganap na alas-
3:30 ng hapon.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment