Naunsiyami ang University of Santo Tomas matapos silang biguin ng National University, 16-21, 17-21, sa finals ng UAAP Season 76 men’s beach volleyball na ginanap sa UE Caloocan sandcourt.
Sa kanilang pagkapanalo, nakamit ng Bulldogs ang hangad na back-to-back championships.
Tinapos ng tambalan nina Edwin Tolentino at Josephenry Tipay ang laro sa loob ng 34 na minuto upang ganap na matapos ng Bulldogs ang serye.
Sa kabila ng kanilang pagkatalo, hindi na rin masama ang nangyari para sa UST Tigers pair nina Mark Gil Alfafara at Kris Roy de Guzman matapos nilang tumapos na pinakahuli noong nakaraang taon.
Nakopo din ni Tolentino ang parangal bilang season MVP habang nakamit naman ni De Guzman ang karangalan bilang Rookie of the Year.
Ang naturang laro ay dapat ginanap noong nakaraang Lunes, ngunit ipinagpaliban dahil sa masamang lagay ng panahon.
Bunga ng tagumpay, humanay ang NU bilang ikatlong koponan na mayroong dalawang beach volleyball title kasama ng Far Eastern University at ng tinalo nilang UST. – Marivic Awitan
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment