BAUAN, Batangas – Nailigtas ng rescue team ang isang walong-buwang sanggol na lalaki at ama nito, ngunit nasawi ang asawa ng huli makaraang madaganan ng nabuwal na puno ng kawayan ang kanilang bahay kasunod ng pagguho ng lupa sa Barangay Inicbulan, Bauan, Batangas.
Kinilala ni Bauan Police chief Supt. Renato Mercado ang nasawi na si Jean Laksinto, habang ligtas naman ang asawa niyang si Erik Laksinto at ang anak nilang si Burikrik Laksinto, na kapwa isinugod sa Bauan General Hospital.
Bandang 10:30 ng gabi noong Setyembre 26 nang mangyari ang pagguho ng lupa sa lugar. – Lyka Manalo
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment