Friday, September 27, 2013

SALAIN ANG PAG-IISIP

“The divinity that shapes our ends is in our selves. All that man achieves or fails to achieve is the direct result of his own thoughts.” – James Lane Allen.


Ito po ang kanyang isinulat pagkatapos ng taong pananaliksik:


A man is literally what he thinks, his character being the complete sum of all his thoughts.



Good thoughts bear good fruits, bad thoughts bad fruits.


Into your hands will be placed the exact results of your thoughts.


You will receive which you earn, no more no less.


The vision that you glorify in your mind, the ideal that you enthrone in your heart this you will build your life by. That you will become.


Ang bunga ng ating mga iniisip ay iyon tayo. Kailangang salain natin ang mga iniisip.


Narito ang istorya ni Boy Bulilit. Inisip ni Boy na kapag hindi niya itinaas ang kanyang sarili sa propesyong kanyang pipiliin ay

hindi siya magtatagumpay.


Kahit anong propesyon ang kanyang pasukin ay naroon ang panluluko, panlilinlang at paglibak kapag siya’y nakatalikod.


Dalawang kurso ang pinagpilian – medisina o pagsusulat.


Pareho ang kanyang pinili. Magiging duktor sya at magsusulat din si Boy.


Puspusang aral ang ginawa ni Boy. Saludo sa kanya ang lahat niyang kasama sa dorm. Siya ang huling matutulog at unang gigising.


Pagkatapos ni Boy ng medisina ay nagtungo siya sa States upang gumawa ng pananaliksik tungkol sa stroke. Ang kanyang kinuha na specialization ay mga kumplikasyon sa utak.


Kinaibigan ni Boy lahat ng mga kakilala niya.


Nagpasalamat si Boy pagkat maaga niyang natutuhan na kailanman ay hindi niya puputikan ng masasamang iniisip ang kanyang utak.


Ang isinama niya ay masayang mukha sa kanyang ginawang pag-iisip. Sa bawat isipin niya ay sinasamahan niya ng dasal nawa’y maging isang katotohanan at hindi nagkamali si Boy. Sa kanilang walong magkakapatid siya lamang pinagpala ng poon.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



SALAIN ANG PAG-IISIP


No comments:

Post a Comment