Friday, September 27, 2013

Batang lansangan sa SulKud, tinututukan

Tacurong City, Sultan Kudarat— Sa ipinakitang talaan ni Police Superintendent Junny Buenacosa, Hepe ng Tacurong PNP, ilang operasyon na ang kanilang ginawa kaugnay sa mga menor de edad na natutulog sa lansangan at sumisinghot ng rugby at vulca seal.



Dagdag din ng hepe, dahil sa umiiral na batas kaugnay sa problemang ito, kanilang isinasalim sa poder sa City MSWD sa pamamagitan ni Ms Eufemia Robles, ang mga batang lansangan upang magawan ng angkop at tamang ugnayan sa mga magulang at kamag-anak ng mga ito.


Noong Setyembre 24, 2013, sa pulong ng PNP-Tacurong sa kanilang operatiba, binigyang diin ni Buenacosa na mabigyan ng priyoridad ang problema ng mga batang lansangan at hanapan ng solusyon ang mga batang palaboy. Nangako ng kooperasyon ang lokal na pamahalaan. – Leo P. Diaz


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Batang lansangan sa SulKud, tinututukan


No comments:

Post a Comment