LOS ANGELES – Nakipaghiwaly ang Hollywood actor na si Richard Gere sa asawang si Carey Lowell pagkaraan ng 11 taong
pagsasama, ayon sa People.com.
Ang mag-asawa na pitong taon na naging magkasintahan ay nagpakasal noong 2002. May anak silang lalaki, si Homer, na isinilang noong 2000.
Ayon sa report, matagal nang namumuhay na magkahiwalay sina Richard at Carey.
Ang 64-anyos na bida sa American Gigolo at Pretty Woman ay unang ikinasal sa supermodel na si Cindy Crawford. – Deutsche Presse Agentur
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment