Thursday, September 26, 2013

Pagdinig sa kasong rebelyon vs MNLF, ililipat

Inaasahan nang maililipat ang venue ng pagdinig sa kasong rebelyon na kinakaharap ng mahigit sa 140 kasapi ng Moro National Liberation Front (MNLF) na nanguna sa standoff sa Zamboanga City.



Inihahanda na ng Department of Justice (DoJ) ang mga plano para sa pagdinig ng kaso at ayon kay Prosecutor General Claro Arellano, agad silang maghahain ng motion for change of venue para ilipat sa Metro Manila o sa Visayas para sa tiyak na seguridad.


Binigyang diin ni Arellano na ang kanilang mosyon ay para lamang sa mga MNLF na lumusob sa Zamboanga City. Unang isinailalim sa inquest proceeding ng local prosecutors ng Zamboanga City sa kasong paglabag sa RA 9851, ang mga nahuli at sumukong mga MNLF leaders-member dahil sa paghahasik ng kaguluhan sa lungsod ng Zamboanga na nagbuwis ng maraming

buhay. – Beth Camia


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pagdinig sa kasong rebelyon vs MNLF, ililipat


No comments:

Post a Comment