Tuesday, September 17, 2013

MWSS, kakasuhan sa pagtapyas ng base rates

Pinag-aaralan ngayon ng Maynilad Water Services, Inc. (MWSI), isa sa dalawang water concessionaire sa bansa, ang pagsasampa ng kaso laban sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kaugnay ng naging desisyon ng ahensiya na tapyasan ang base rates ng kumpanya sa loob ng limang taon.



Si MWSS Regulatory Office Chief Emmanuel Caparas, na miyembro rin ng Board ng ahensiya, ay isa lang sa mga opisyal na sasampahan ng demanda.


Sinabi ng MWSI na dadalhin nito ang usapin sa tamang forum sa lalong madaling panahon.


Sa panig naman ni Manila Water – Corporate Communications head Jeric Sevilla, sinabi niyang dadalhin nila sa arbitration ang kontrobersiya.


Sa concession agreement na pinirmahan ng dalawang water company, kasama ang MWSS noong 1997, pinapahintulutan ang mga ito na idaan sa arbitration ang usapin.


Nitong nakalipas na linggo, nagdesisyon ang MWSS na bawasan ang singil sa tubig ng MWSI at Maynilad kasabay ng pagbasura sa panukala ng dalawang water firm na water rate increase sa loob ng limang taon. – Rommel P. Tabba


.. Continue: Balita.net.ph (source)



MWSS, kakasuhan sa pagtapyas ng base rates


No comments:

Post a Comment