CAPAS, Tarlac – Patay ang isang binata sa Sitio Bergada, Barangay Lawy, Capas, Tarlac matapos pagbabarilin ng tatlong armado, noong ng Linggo ng gabi.
Nagtamo ng bala sa mukha at kanang dibdib si Ronald Capitulo, 43, at residente ng nasabing barangay.
Sa imbestigasyon ni si PO3 Randy Catacutan, may hawak ng kaso, naganap ang pamamaslang bandang 7:30 ng gab, naglalakad ang biktima kasama ang kaibigang si Jun Malong, 33, ng Barangay Lawy, Capas, Tarlac nang sila’y salakayin ng tatlong hindi nakikilalang suspek at pagbabarilin.
Nagsagawa na ng follow-up investigation ang mga pulis para sa ikaaaresto ng tatlong armado na pinaniniwalaang mga hired killer na gumagala sa ilang lugar ng Capas, Tarlac at kalapi na bayan. – Leandro Alborote
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment