LOS ANGELES – Muling mapapanood sa telebisyon si Batman.
Kinomisyon ng Fox ang prequel sa kuwento ni Batman na tinawag na Gotham, na magtatampok sa mga adventure ng kaalyado ng Crusader Cop laban sa krimen, si Police Commissioner James Gordon, ayon sa industry website na Deadline.com.
Tampok sa show ang career ni Gordon sa fictitious na Gotham City bago siya naging hepe ng pulisya, at napaulat na magkakaroon ng appearance si Batman sa show.
Gayunman, posibleng talakayin din sa show ang kasaysayan ng pamilyang Wayne bago naging Caped Crusader si Bruce Wayne, ayon sa report. – Deutsche Presse Agentur
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment