Saturday, September 28, 2013

Ai Ai, gustong pagsamahin sa pelikula sina Marian, Lloydie at Coco

ni Remy Umerez


AI AI Delas Alas PAGTATAYO ng sariling produksiyon ang hakbang na ginawa ng ilang sikat na artista tulad nina FPJ, Dolphy, Susan

Roces at Amalia Fuentes noong kapanahunan nila para mapanatili ang kanilang katatagan.


Sa kasalukuyan ay pakikipagsosyo ang pinasukan ni Ai Ai de las Alas (at maging si Marian Rivera), impluwensiya

marahil ng kanyang best friendna si Kris Aquino. Maging sa Hollywood ay ganito ang kalakaran ng highest paid stars.



Bilang co-producer ng Kung FU Divas ay bantay-sarado si Ai Ai sa pagkontrol sa budget.


“Mahirap mag-over budget kung sakaling may aberyang .. maganap during shooting. Pero isang bagay ang maipagmamalaki ko, dekalidad ang proyekto at world-class ang special effects na mapapanood. At pantay-pantay ang trato namin sa lahat lara na pagdating sa pagkain.”


Siyempre, hangad ni Ai Ai na tumabo sa takilya ang Kung Fu Divas para magkaroon ng sequel.


“Sa totoo lang, wish kong gumawa uli ng pelikula sa Star Cinema si Marian with John Lloyd Cruz at Coco Martin as leading men niya at ako mismo ang magpoprodyus.”


Bilang pagtatapos ng presscon ay nagpa-raffle si Ai Ai na halos lahat ng dumalo ay umuwing may mga ngiti sa labi.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Ai Ai, gustong pagsamahin sa pelikula sina Marian, Lloydie at Coco


No comments:

Post a Comment