CABANATUAN CITY – Walong bayan sa Nueva Ecija at limang bayan sa Aurora ang makakaranas ng 11-oras na brown-out ngayong Biyernes, Setyembre 27, mula 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng hapon.
Sa isang pahayag, sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na ang sanhi ng pagkawala ng daloy ng kuryente ay ang isasagawang pagsasaayos at pagkukumpuni ng mga linya ng transmission ng NGCP sa kahilingan ng Nueva Ecija Electric Cooperative II Area II at masubok ang ilan sa kanilang substation equipment bilang bahagi ng taunang maintenance.
Apektado ng mahabang power interruption ang mga konsumidor ng Nueva Ecija Electric Cooperative II Area II (Bongabon Substation) at Aurelco San Luis Substation.
Kabilang sa pansamantalang mawawalan ng kuryente ang mga bayan ng Talavera, Gabaldon, Rizal, Laur, Gen. Natividad, Llanera, at ilang bahagi ng Palayan City sa Nueva Ecija, gayundin ang mga bayan ng Dingalan, San Luis, Maria Aurora, Baler at Dipaculao, Aurora. – Light A. Nolasco
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment