WORRIED ang presidential sister Kris Aquino sa magiging kapalaran ni President Noynoy pagkatapos ng kanyang termino.
May kaba si Kris na baka ipakulong si Noy ng susunod na Pangulo ng republika.
Malaki ang posibilidad na ito kaya si Noy ay ingat na ingat sa pagsabi kung sino ang kanyang mamanukin sa susunod na presidential election.
Ito marahil kung bakit mukhang walang suporta si Noy para sa kaibigan niyang si Local Government Sec. Mar Roxas, lalo na sa issue ng Mamasapano incident sa Maguindanao.
Hindi pinaalam ni Noy ang Oplan Exodus at iba pang oplan kay Mar na nagpa ubaya noon kay Noy na maging kandidato niya sa pagka-Pangulo sa halip na si Mar na kanyang BF.
BF nga ni Noy si Mar pero ang BFF naman pala ni Noy ay si Gen. Alan Purisima na bagaman at suspendido bilang chief PNP ay siya pa rin pala ang textmate niya.
Si Purisima ay hindi friend ni Mar, at kung sakali man silang naging mag-friend, na unfriend na siya ni Mar or vice versa.
Ang isa pang friend ni Noy at ng kanyang mga sister ay si Jojo Binay, kasalukuyang Vice-President at member of the cabinet.
Dahil friends sila, walang ginawang hakbang si Noy na pabulaanan niya ang tsismis na Noy-Bi tandem laban kay Mar.
Mahina si Mar sa mga botante.
Ayon sa mga survey, at kung sa ngayon ay si Binay pa rin ang leading presidential contender, baka lalong tumibay ang samahang Noy-Bi na itinaguyod din ni Chiz Escudero na mag BFF.
Kailangan ni Noy si Binay dahil nga, ayon kay Kris, ay worried siya sa fate ni Noy kapag hindi na siya Presidente.
Dahil sa Noy-Bi tandem, inaasahan ng iba na magiging tagapagtanggol ni Noy si Binay pagdating ng panahon. DEEP FRIED/RAUL VALINO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment