Friday, February 27, 2015

NAKATATAKOT

NAKATATAKOT ang balita tungkol sa tatlong batang babae, na lumayas daw sa mula sa London, pumuslit papunta sa Syria dahil gustong mag-join sa Islamic State.


Ang mga batang babae ay 15, 16, at 17-taong gulang ay mga honor student sa kanilang klase.


Ayon sa mga report, hindi man lang daw nag-iwan ng kahit anong sulat o mensahe para sa kanilang mga pamilya ang mga teenager bago umalis.


Natural na nagdadalamhati ang mga magulang at pamilya.


Pero ang mas nakaaalarma ay ang security threat na pwedeng idulot nito sa mga bansa kung saan galing ang mga teenager. Ginagamit na ang mga bata ng mga terorista.


Ang internet ang sinasabing naging koneksyon ng mga bata sa kinatatakutan na grupong ISIS, tinaguring international terrorists.


Ang isang hamon sa mga bansa ngayon ay kung paano mapangangalagaan ang mga bata, na sobrang dami nang oras ang ginugugol sa internet, laban sa tinataguriang international terrorists na ito.


Hamon din ito sa mga magulang kung paano natin mababantayan ang ating mga anak laban sa mga terorista na namumugad sa internet.


Iba na ang klase ng panganib ngayon sa ating mga anak, hindi tulad noon na mga barkada lang sa kapitbahay at sa eskwelahan ang iniintindi natin na pwedeng mga bad influence sa mga bata, ngayon mismong mga international terrorist ang may access na sa ating mga anak.


Nakatatakot na talaga.


Ang payo ko sa ating mga magulang ay mas tumutok sa activities ng ating mga anak sa internet. Maski sa games nila ay may mga nakakausap silang mga ibang tao na galing sa iba’t ibang parte ng mundo at hindi na natin masisiguro ngayon ang impluwensya ng mga ito sa isip ng kabataan.


Impressionable ang mga bata ngayon, madaling ma-inspire, madaling makaintindi at bumuo ng sarili nilang mga opinyon at aksyon kaya mas matindi ang kailangang tutok mula sa mga nakakatanda, sa ating mga nagmamahal sa kanila.


Wala pa ring tatalo sa malinaw at bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak.


***

Mag-email ng reaksyon sa ariel.inton@gmail.com or text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON


.. Continue: Remate.ph (source)



NAKATATAKOT


No comments:

Post a Comment