INITSAPUWERA ng Bids and Awards Committee (BAC) ng Commission on Elections (Comelec) ang Smartmatic-Total Information Management Corp. at Indra Sistemas S.A. para sa bidding ng bagong supply ng voting machines para sa 2016 polls.
Ayon kay BAC chair Helen Flores, ang dalawng bidders ay nagbigay ng “non-responsive financial proposals” para sa lease contracts ng direct recording electronic (DRE) at optical mark reader (OMR) machines sa ikalawang stage ng bidding.
Binigyan naman ang dalawang kumpanya ng tatlong araw para magsumite ng motions-for-reconsideration.
Ayon kay Flores, hindi kumpleto ang proposal na isinumite ng Smartmatic-TIM gaya ng walang nakalagay na presyo sa ilang items.
Sa kabilang dako, sumobra naman ang proposal ng Indra sa budget para sa OMR machines na P2.5-billion. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment