Saturday, February 28, 2015

Karne, ipagbabawal sa QC tuwing Lunes

SUPORTADO ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang resolusyon ng konseho na ipagbawal sa mga restaurant sa QC ang karne tuwing Lunes.


Sa report, nais ng mga konsehal na kahit man lamang isang araw sa loob ng isang linggo ay mapilitan ang mga taga-QC na kumain ng gulay.


Sa resolusyong tinawag na “Luntiang Lunes” ni Councilor Jessica Castelo Daza, inaasahan ng mga konsehal na bubuti ang kalusugan ng kanilang mga residente.


Ani Daza, kung iiwas sa karne ang mga taga-QC kahit minsan man lamang sa isang linggo sa loob ng isang taon, hindi lamang kalusugan nila ang gaganda kundi ang kapaligiran.


Sinimulan ng QC government ang adbokasiya ng Meatless Monday o “Luntiang Lunes” matapos aprobahan ang Resolution SP-5596 noong 2012, kung saan hinikayat ang lahat ng empleyado ng QC Hall, mga iskwelahang pampubliko at mga barangay na kumain ng gulay tuwing Lunes.


Batay sa pag-aaral, mga Filipino ang may pinakamababang kunsumo ng gulay sa buong mundo.


Ayon naman sa American Dietetic Association, kung hindi kakain ng karne ang isang tao minsan isang linggo ay malalayo siya sa sakit.


Maiiwasan din ang sobrang katabaan, hypertension, diabetes at ilang uri ng cancer. NENET VILLAFANIA


.. Continue: Remate.ph (source)



Karne, ipagbabawal sa QC tuwing Lunes


No comments:

Post a Comment