Thursday, February 26, 2015

Deles, Ferrer binalaan sa pag-aabogado sa MILF

HINDI nakatutulong kina OPAPP Sec. Teresita Deles at GRP Panel Chair Miriam Coronel-Ferrer ang patuloy na pag-aabogado para sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).


Kasabay nito ay nagpaalala si Magdalo Rep. Ashely Francisco Acedillo kina Deles at Ferrer na ang tungkulin nila ay isulong ang pambansang interest at hindi protektahan ang interes ng MILF.


Aniya, lalong sumasama ang pagtingin ng publiko sa dalawang opisyal.


Labis na ikinabahal ni Acedillo ang pahayag ni Ferrer na nakapaloob sa Bangsamoro Basic Law (BBL) ang training ng MILF.


Agad naman itong kinontra ng mambabatas sa pagsasabing wala siyang nabasang probisyon sa BBL na pinapayagan ang pagsasanay ng MILF.


Ayon kay Acedillo, maituturing itong pagtataksil o kawalang ng sinseridad sa usapang pangkapayapaan dahil hindi na aniya kailangang magpalakas ng puwersa ang MILF dahil taliwas aniya ito sa layunin ng peace process na hanguin ang mga ito mula sa pagiging revolutionary.


Binalaan pa ni Acedillo ang OPAPP na hindi dapat magbulag-bulagan dahil hindi naman natutulog sa pansitan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kaya alam ng mga ito kung para saan ang ginagawa ng MILF. MELIZA MALUNTAG


.. Continue: Remate.ph (source)



Deles, Ferrer binalaan sa pag-aabogado sa MILF


No comments:

Post a Comment