Friday, February 27, 2015

PRESYO NG PANGUNAHING BILIHIN SA PALENGKE

BASE sa ika-26 ng Pebrero 2015, ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng karne, isda at mga piling gulay sa 14 na pamilihan sa Metro Manila. Ito’y ang Pasig City Mega Market, Viajero Market, Muntinlupa Public Market, Pasay Public Market, Marikina Market Zone, Marikina Public Market, Commonwealth Market, Mega Q Mart, Muñoz Market, Tandang Sora Market at New Arayat Market sa Quezon City, New Dagonoy Market sa Manila, Polo Market sa Valenzuela at sa Mandaluyong Public Market.


Ang karne, tulad ng pork ham o kasim ay mabibili sa P170.00 hanggang P195.00/kilo. Ang liempo ay mabibili ng P180.00 hanggang P210.00. Ang fullydressed chicken ay nagkakahalaga ng P130.00 hanggang P140.00 kada kilo at ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili sa halagang P4.50 kada piraso.


Sa isda naman, ang medium na bangus ay nagkakahalaga ng P100.00 hanggang P130.00 kada kilo; ang medium na tilapia ay nasa halagang P80.00 hanggang P110.00 kada kilo.


Ang mga piling gulay gaya ng ampalaya ay mabibili sa P60.00 hanggang P70.00 kada kilo. Ang cabbage scorpio naman ay mabibili sa P20.00 hanggang P50.00 kada kilo. Ang carrots ay mabibili sa P30.00 hanggang P50.00 kada kilo. Ang kamatis ay mabibili sa P15.00 hanggang P40.00 kada kilo. Ang pulang sibuyas ay nagkakahalaga ng P25.00 hanggang P60.00 kada kilo at ang talong naman ay mabibili sa P35.00 hanggang P50. 00 kada kilo. Ang imported na bawang ay mabibili sa halagang P70.00 hanggang P100.00 kada kilo, samantalang ang presyo ng luya ay mabibili sa halagang P90.00 hanggang P150.00 kada kilo.


Ang mga piling prutas gaya ng lakatan ay nagkakahalaga ng P45.00 hanggang P60.00 kada kilo, ang latundan ay nasa P35.00 hanggang P50.00 kada kilo. At ang murang presyo ng calamansi nagkakahalaga ng P45.00 hanggang P80.00 kada kilo. ANG INYONG LINGKOD/HILDA ONG


.. Continue: Remate.ph (source)



PRESYO NG PANGUNAHING BILIHIN SA PALENGKE


No comments:

Post a Comment