Thursday, February 26, 2015

Hindi lang good looks ang puhunan..

UTANGAN issue. So true ngang nagkairingan ang isang award winning actor at isang aging actress na sangkatutak ang malas sa kaperahan dahil na rin sa kanyang kapabayaan. Walang tsismis kung walang pinagsimulan. Kaya pa ring mambilog ng has been star sa mga artistang naniniwalang isang prestige pa ang makasama ang laos at walang ng appeal na aktres. Ang paghanga ay nagiging sumpa pagtagal tuloy, he, he. Mahirap kasing maniwala sa una pero ‘pag naging biktima ka na saka ka pa lang matatauhan. So beware. Be afraid, be very afraid.


Enrique Gil continues to lead among the younger crop of leading men. Planado ang kanyang transformation sa pagiging more than just a heartthrob. Hindi lang good looks na ang puhunan kundi galing na ng acting. Nakaka-impress na. Isang big project sa movies ang kailangang magdala sa tagumpay to prove na isang box office star siya at hindi lang sa libreng televison exposure. Di na rin kailangang magdala ng sexy scenes para pag-usapan. He can use that later on to add sizzle sa kanyang career when he’s maturing.


Gloria Diaz is delightful to watch in “Dream Dad.” Magaling siya na hindi annoying at bumagay naman si Ariel Ureta bilang parents ni Zanjoe Marudo. Medyo heavy na nga lang siya pero walang kupas ang beauty na pang-Ms. Universe talaga. Isa pang sikreto sa magandang mukha ni Gloria ay ang walang hilig umutang sa kaninuman. Praktikal na babae pero pang world class ang taste. Simpleng buhay ang type kaya naman magandang buhay talaga ang peg.


Remember Merci Molina? Isang dating singer actress na based ngayon sa USA. Natapos ang Valentine’s day at nag-enjoy siya sa kanyang activities run. Does she miss performing on Hearts Day? “You know what I don’t have any unforgettable Valentine’s day that I can remember. I was busy with my singing career then that everyday was like an ordinary day for me. Now I’m blessed with a lot of loving, caring friends specially my loving husband, I can’t ask for more,” sabi naman niya. Panay ang trips niya all over USA enjoying successful life. Sana nga bumalik siya uli para marinig ng kanyang loyal fans ang kanyang golden voice. TOUGH VIEWS/TONY VIZMONTE


.. Continue: Remate.ph (source)



Hindi lang good looks ang puhunan..


No comments:

Post a Comment