Thursday, February 26, 2015

‘Kalye Demonyo’ sa Bulacan nilusob, 2 tulak lagas

DALAWA ang nalagas nang sugurin ng pulisya ang isang lugar sa San Francisco del Monte, Bulacan kaninang madaling-araw (Pebrero 26) na pinamumugaran umano ng underworld characters.


Sinabi ni SJDM Police chief Supt. Charlie Cabradilla, na kapwa sangkot sa drug-related cases ang dalawang napatay na ang isa’y nakilala lamang sa alyas ‘Pogi’ habang ang isa naman ay wala pang pagkakakilanlan.


Naaresto rin ang isang babae na ka-live-in ng napatay na pangunahing suspek sa pagpatay sa dalawabg pulis noong 2014.


Sa ulat, naganap ang insidente dakong 5 a.m. sa Kalye Demonyo sa Rd. 2, Bgy. Minuyan, San Jose del Monte, Bulacan.


Bago ito, naglatag ang kapulisan ng Oplan Lambat Sibat na ang adhikain ay pagpapaigting ng paghahain ng arrest warrant laban sa mga tulak ng droga at armas sa lugar.


Natiyempuhan naman ng mnga tauhan ni Cabradilla ang ilan sa mga kilabot na drug pushers na humantong sa palitan ng putok hanggang sa mapatay ang dalawa sa mga suspek.


Ayon kay Cabradilla, kilalang kuta ng mga drug group ang San Jose del Monte na talamak ang pagpatay maging sa mga hinihinalang asset ng pulisya. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



‘Kalye Demonyo’ sa Bulacan nilusob, 2 tulak lagas


No comments:

Post a Comment