TARGET ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pahinain ang pwersa ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa loob ng tatlong buwan.
Ito ang inihayag kaninang umaga ni AFP chief of staff Gen. Gregorio Pio Catapang, Jr. matapos ilunsad ang all-out defensive kontra sa naturang armadong grupo.
“In three months, hopefully we can substantially decimate them. Kasama na ang leadership.”
Partikular na puntirya ng AFP ang pwersa ng BIFF sa Maguindanao at Cotabato.
Tiniyak naman ng AFP na naatasan na ang kanilang unit commanders na pairalin ang ceasefire mechanisms sa operasyon upang maiwasang makasagupa ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) tulad ng nangyari sa Mamasapano, na ikinasawi ng 44 na Special Action Force (SAF) troopers.
Binanggit naman ni AFP Public Information Office chief Lt. Col. Harold Cabunoc na nakatanggap sila ng ulat na tinutulungan ng BIFF na makapagtago ang teroristang si Basit Usman.
Apela ngayon ng opisyal, “We are calling on the people help us locate Basit Usman and his cohorts, and also in locating these BIFF members who are continuously using armed violence to attack innocent civilians and communities.”
Matatandaang natatag ang BIFF matapos tumiwalag sa MILF ang dating commander na si Ameril Umbra Kato dahil sa pagtutol sa peace talks sa gobyerno. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment