HINDI na mapalagay ang Commission on Elections (Comelec) dahil sa posibleng pagkabinbin ng hanggang dalawang buwan ng timeline ng halalan kapag nagkaaberya sa pagkuha ng voting system para sa 2016 polls.
Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, ang target para sa lease contracts para sa direct recording electronic (DRE) at optical mark reader (OMR) machines ay sa susunod na buwan.
Gayunman, dahil sa disqualification ng mga bidders na Smartmatic at Indra Sistemas S.A. ay kailangan nilang i-adjust ang schedule.
Maalalang diniskwalipika ng Comelec Bids and Awards Committee ang dalawang bidders dahil sa “non-responsive financial proposals.”
Kapag hindi nakapagsumite ng motion-for-reconsideration ang dalawang kumpanya o hindi babaguhin ng BAC ang desisyon ay maaaring irekomenda sa Comelec ang deklarasyon ng “failure of bidding” at magpatupad ulit ng panibagong bidding.
Samantala, maaari pa rin namang sumali ang dalawang kumpanya sa bidding. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment