KINASUHAN ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Camp John Hay Leisure, Inc. kasama ang presidente nitong si Alberto Avancenia at Financial Controllers na sina Rialena Magat at Rodeen Corpuz.
Ang CJHL ay isang domestic corporation na nangangasiwa sa Camp John Hay Manor sa Baguio City.
Nabatid na sa imbestigasyon ng BIR, hindi idineklara nang tama ng CJHL ang kanilang kinita para sa taong 2006, 2009, 2010 at 2011.
Aabot sa mahigit P115-million ang halaga ng underdeclaration ng CJHL sa kanilang kinita para sa nabanggit na mga taon.
Dahil dito, aabot umano sa P88.54-million ang tax liability na hinahabol ng BIR sa CJHL.
Ang CJHL ay kinasuhan ng paglabag sa Sections 254 at 255 ng National Internal Revenue Code. TERESA TAVARES
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment