TATLUMPO’T TATLONG kongresista ang sumulat kay House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. upang hilingin ang agarang pagtutuloy sa naudlot na imbestigasyon ng Kamara sa madugong Mamasapano incident noong January 25.
Pangunahing dahilan ng mga kongresista ay ang patuloy na panawagan ng publiko lalo na ng kani-kanilang mga constituents na lumabas ang katotohanan sa pagkakapatay sa may 44 miyembro ng PNP-SAF.
Pangalawang dahilan ay marami pang mga kongresista ang nais na marinig ang kasagutan sa mga nabiting katanungan ukol sa insidente lalo na pagdating sa palitan ng text messages sa pagitan nina Pangulong Aquino, resigned PNP Chief Alan Purisima at relieved SAF Director Getulio Napenas.
Magugunitang ipinatigil ng liderato ng Kamara ang joint investigation ng House Committee on Public Order and Security at House Committee Peace, Reconciliation and Unity dahil sa umano’y mala-palengkeng unang imbestigasyon.
Sa isang press conference matapos ang pagpasa ng nabanggit na liham sa tanggapan ni Belmonte, sinabi nina Gabriela Rep. Luz Ilagan, Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at Anakpawis Rep. Fernando Hicap na marapat lamang na ituloy na ang House investigation dahil tapos na ang Senado at kaiba naman aniya ito sa pagsisiyasat ng Board of Inquiry.
Kabilang sa mga lumagda ay ang Makabayan Bloc, BUHAY Partylist Rep. Lito Atienza, dating Justice Sec. at 1-BAP Rep. Silvestre Bello III, Taguig Rep. Lino Cayetano, Cebu Rep. Gwendolyn Garcia at limang iba pa mula sa Minority Bloc. MELIZA MALUNTAG
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment