Thursday, February 26, 2015

P1.3 M shabu nakumpiska sa drug raid

AABOT sa P1.3-milyong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang drug operation sa Cotabato City kahapon ng umaga Pebrero 25, 2015 (Miyerkules).


Kinilala ni PDEA Dir. Gen. Arturo G. Cacdac, Jr.,ang suspek na si Mona Musa Bagundang alyas “Bai”, 37, ng Boliao 2, Mother Bgy. Poblacion ng nasabing lungsod.


Si Bagundang ay isang bagong kasapi ng Nasser Kautin Drug Group na nag-ooperate sa nasabing lungsod at mga karatig-lugar.


Ayon sa PDEA isinagawa ang pagsalakay sa bahay ng suspek dakong 6:30 ng umaga sa bisa ng isang search warrant na ipinalabas ni Hon. Judge Bansawan Ibrahim, AL-HADJ ng 12th Judicial Region, Regional Trial Court (RTC) Branch 13, Cotabato City.


Narekober sa bahay ng ginang ang apat na pakete ng shabu na may timbang na 200 gramo at may street value na P1,300,00, digital weighing scale, isang box ng transparent plastic container na may green lid na may lamang iba’t ibang paraphernalia at isang M-16 armalite rifle na may dalawang magazines.


Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia), Article II of Republic Act 9165, o mas kilala sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearms) ang suspek. SANTI CELARIO


.. Continue: Remate.ph (source)



P1.3 M shabu nakumpiska sa drug raid


No comments:

Post a Comment