DINAMPOT ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang 29 menor-de-edad na umiinom sa bar malapit sa De La Salle University (DLSU) sa kahabaan ng Taft Ave., Maynila kagabi.
Isa sa mga nahuli ay kumpirmadong estudyante ng naturang unibersidad.
Nabatid na sinlakay ang tatlong bar sa lugar dahil sa impormasyon hinggil sa operasyon ng ilang bar malapit sa nasabing unibersidad na labis na nakaaapekto sa mga estudyante lalo na sa mga kabataang menor-de-edad.
Kakasuhan naman ng paglabag sa city ordinance ang tatlong bar na may kaugnayan sa mahigpit na pagbabawal sa pag-ooperate ng anomang establisyimento malapit sa mga eskuwelahan dahil nakasasama ito sa pag-aaral ng mga kabataan.
Kasamang sumalakay ng MPD ang Office of the Mayor at Department of Justice (DoJ). JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment