Friday, February 27, 2015

PNOY vs PURISIMA

ANG ‘sisihan blues’ ang ugat kaya kaliwa’t kanan ang isinasagawang imbestigasyon para malaman ang katotohanan sa Mamasapano debacle.


Una ang sisi kay SAF commander Getulio Napeñas dahil namatay ang 44 SAF sa paglusob sa taguan ni Zulkifli Bin Hir, aka Marwan.


Nabaling ang sisi kay PDG Alan Purisima matapos aminin ni Napeñas sa Senate inquiry na may role ang suspendidong heneral sa operasyon.


Ngunit nagpaliwanag si Purisima, sa pagsasabing ‘advice’ lang at hindi order ang ibinabato kay Napeñas ukol sa Oplan Exodus to get Marwan.


Lumaki nang lumaki ang sunog matapos kwestiyunin ang authority ni Purisima na pamunuan ang Oplan Exodus gayong siya’y suspendido.


Hanggang lumutang ang pangalan ni Pangulong Aquino dahil sa ulat na sa kanya nagre-report si Purisima hinggil sa operasyon.


Kahit anong pananakot, hindi natinag si Purisima sa mga tanong ng mga senador na pilit na pinagtatagpi-tagpi ang role ng dalawa sa exodus.


Para lamang magsabi na ng totoo, hiniling ng mga senador ng executive meeting para doon isiwalat ni Purisima ang nalalaman sa operasyon.


Sa paghimay ng mga senador, napagdugtong-dugtong ang sikretong batuhan ng impormasyon nina PNoy at Purisima sa nagaganap na oplan.


Klaro ang partisipasyon ni PNoy dahil sa mga sinabi ni Purisima sa isinagawang executive session, kaya buking ang Presidente.


Dito na lumabas ang Pangulo na sinasabing si Purisima ay nagsinungaling sa kanya sa operasyon na ikinamatay ng SAF 44.


Kailanman ay hindi nakitang suminghal si Purisima sa Pangulo, gayundin ang Pangulo sa dating PNP chief.


At wala ring kwentong masama si Purisima basta ang tema ng usapan ay si PNoy, gayundin ang Presidente kapag nagkukwento tungkol kay Purisima.


Ito’y, ayon na rin mismo kay PNoy, sila’y matalik na magkaibigan ng dating PDG, na ang pagiging malapit ay hinubog ng ‘di matatawarang mga pagsubok.


Pero ngayo’y unti-unting nagkakalamat ang relasyon ng dalawa dahil sa ‘di maputol-putol na isyu ng Fallen 44.


Ayon sa pahayag ng kampo ni Purisima, kailanman, anila ay hindi nagsinungaling ang dating heneral kay Pangulong Aquino.


Saan paroroon ang matagal nang iningatang pagkakaibigan nina PNoy at Purisima dahil sa paratang kung sino sa kanila ang sinungaling?


Abangan. CHOKEPOINT/BONG PADUA


.. Continue: Remate.ph (source)



PNOY vs PURISIMA


No comments:

Post a Comment