Thursday, February 26, 2015

Lalaki sinuwag ng bus, tigbak

PATAY ang isang hindi pa kilalang lalaki makaraang suwagin ng pampasaherong bus habang tumatawid sa Quezon City kagabi, Pebrero 25, 2015 (Miyerkules).


Sa ulat ni Quezon City District Traffic Enforcement Unit chief P/Supt.Ely Pintang, inilarawan ang biktima na nasa edad 40-50, 5’0 ang taas, naka-maong na shorts at pulang t-shirt at kayumanggi ang balat.


Kusang-loob namang sumuko ang driver/suspek na si Jaudel Laureles, 34, may asawa, driver ng Golden Dragon Bus Line at residente ng Montalban, Rizal.


Sa ulat ng QC Traffic, naganap ang insidente dakong 8:40 ng gabi sa southbound ng EDSA, harap ng Shell Gasoline station, Bgy. Kanluran, QC.


Nabatid sa ulat na tinatahak ng bus (UVD-136) na minamaneho ni Laureles ang naturang lugar nang biglang tumawid ang biktima kaya aksidente niya itong nasagasaan.


Agad isinugod ang biktima sa Quezon City General Hospital subalit nasawi ito habang ginagamot sa naturang ospital.


Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang driver ng bus. SANTI CELARIO


.. Continue: Remate.ph (source)



Lalaki sinuwag ng bus, tigbak


No comments:

Post a Comment