Wednesday, February 25, 2015

Trak, nagliyab sa SLEX

NAGDULOT ng mahigit isang kilometrong traffic build-up nang pansamantalang isara ang tatlong lane ng South Luzon Expressway (SLEx) dahil sa bulto ng mga bumbero ng rumesponde sa pagliyab ng isang trak.


Sa ulat, isang 10-wheeler truck ang nasunog sa southbound, bahagi ng Alabang Viaduct sa Muntinlupa City, alas-5:24 Huwebes ng madaling-araw.


Ayon sa truck driver na si Marciano Alaba, bibiyahe sana siyang Canlubang, Laguna mula sa Valenzuela City karga ang 23,000 toneladang round bars na gagamitin sa isang kapilya.


Nasa ibabaw na ng Alabang Viaduct si Alaba nang mapansing umuusok ang makina ng kanyang trak kaya inihinto ito sa outer lane.


Pagbaba ng driver, biglang lumakas ang apoy sa harapan ng trak. Nakatalon naman mula sa nasusunog na sasakyan ang tatlong pahintante.


Hahatakin ng Manila Toll Expressway Systems ang trak at dadalhin sa kanilang tanggapan para mabusisi ang sanhi ng sunog. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Trak, nagliyab sa SLEX


No comments:

Post a Comment