DAHIL sa pneumonia, isinugod kaninang madaling-araw (Pebrero 26) si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile sa Makati Medical Center (MMC), ayon sa pahayag ng Philippine National Police (PNP).
Sinabi ni PNP Health Service spokesman Chief Insp. Raymond Santos na inilipat si Enrile sa nasabing ospital alas-3 nang madaling-araw.
“He needed some lab procedures na walang capability ang (PNP General) Hospital,” paliwanag ni Santos.
Pinapayagan aniya ng Sandiganbayan, na siyang nag-utos na makulong si Enrile hinggil sa P10-billion pork barrel scam, ang ganitong sitwasyon o ang agarang paglipat ng isang preso dahil wala kakayahan o kulang ng pasilidad ang PNP General Hospital para gamutin ang pasyenteng may ganitong uri ng sakit.
Ang pneumonia aniya ay lubhang mapanganib sa mga may edad na at sa mga sanggol.
“Ang pneumonia ay napakadelikado sa may edad na parang pneumonia sa may sanggol. Ayaw namin abutin na critical na critical,” dagdag pa ni Santos.
Nang tanungin naman kung bakit biglang isinugod si Enrile sa MMC, sinabi ni Santos na ang sintomas ay lumalala nitong hatinggabi kaya napilitan silang ilipat ito. Ang kanya aniyang phlegm ay may “spots” ng dugo.
“May spot ng dugo. ‘Pag umuubo, may konting spot ng dugo na may phlegm,” sambit pa nito.
Dahil may infection, naka-isolate na kahapon pa si Enrile, pahayag naman ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa mga mamamahayag kaninang umaga.
Si Ramos at Enrile ay dalawa sa mga key players sa 1986 People Power Revolution na nagpabagsak kay dating President Ferdinand Marcos mula sa posisyon. Ang dalawa ay hindi dumalo sa 29th People Power anniversary rites nitong nakaraang Miyerkules.
Si Enrile ay nakadetine sa PNP General Hospital simula pa noong Hulyo 2014 sa kasong plunder at graft na may kaugnayan sa umano’y P10-billion pork barrel scam. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment