NAKATAKDANG maghain ng resolusyon ang ilang kongresista para hilingin na isailalim sa house arrest si Senador Juan Ponce-Enrile.
Kinumpirma ni Isabela Rep. Rodito Albano na isang resolusyon ang kanyang ihahain sa Lunes, Marso 2, para hilingin sa Sandiganbayan na ipa-house arrest na lamang si Enrile.
Aniya, kanyang igigiit sa anti-graft court ang konsiderasyon sa kalagayang pangkalusugan ng 91-taong gulang na senador.
Kamakawala nang isugod si Enrile sa Makati Medical Center dahil sa pneumonia.
Nakasaad pa sa resolusyon ang mismong pag-amin ni PNP Health Servic spokesman Chief Insp. Raymond Santos na kulang sa mga pasilidad ang PNP General Hospital.
Si Enrile ay nahaharap sa mga kasong plunder at graft sa Sandiganbayan dahil sa pork barrel scam. MELIZA MALUNTAG
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment