PINANGANGAMBAHAN na ang mas dumarami pang miyembro ng Assyrian Christian community na dinukot ng Islamic State militants.
Ayon sa mga community sources, nasa 200 katao ang pinaghihinalaang na-kidnap sa raid na isinagawa ng mga militante sa Al-Hasakah province sa north-eastern Syria.
Una nang ibinalita na nasa 90 katao ang dinukot ng ISIS.
Karamihan sa mga bihag ay mga babae, bata at matatanda.
Sinasabing ang nasa 1,000 local Assyrian families ay nakalikas na sa lugar.
Patuloy naman sa pakikipaglaban ang Kurdish at Christian militants sa IS sa nabanggit na lugar. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment