TIKOM ang bibig ng MalacaƱang sa hirit ng ilang mambabatas na dapat na isailalim sa house arrest si dating Senate Minority Leader Juan Ponce-Enrile dahil sa karamdaman nito.
Kung maaalala, naka-confine ngayon si Enrile sa Makati Medical Center mula sa hospital arrest sa Camp Crame dahil sa kaso na may kaugnayan sa pork barrel scam matapos na lumalala ang sakit na pneumonia.
Giit ni Presidential Deputy Spokesperson Abigail Valte, hindi pa naman ito natalakay sa kanila ng Pangulong Nonoy Aquino kung ano ang kanyang posisyon.
Gayunman, ang naturang usapin ay korte pa rin ang magdedesisyon sa huli.
Samantala, iniulat ni dating Rep. Jack Enrile, wala ng lagnat ang kanyang ama at wala na ring dugo kapag ito’y umuubo.
Sinabi nito na nanumbalik na ang lagay ng kalusugan ng kanyang ama dahil kumakain na ito ng normal.
Dagdag pa ng nakababatang Enrile, noong Enero pa iniinda ng kanyang ama ang pagkakaroon ng lagnat at sipon dahil na rin sa pabago-bagong panahon.
Samantala, nagpasalamat naman ito sa mga mambabatas na sumusuporta na i-house arrest na lang ang senador dahil sa katandaan at problema sa kalusugan. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment