Wednesday, February 25, 2015

MAGALONG SA PNP CHIEF

SA limang pinagpipiliang magiging PNP chief, si deputy Dir. Gen. Dindo Espina ang naaamoy na papalit kay resigned Dir. Gen. Alan Purisima.


Kung bakit si Espina? Kasi siya’y naging instant idol ng madla at mga kapulisan dahil sa matigas niyang pagtatanggol sa Fallen 44.


Bumilib din ang sambayanan sa matapang niyang patutsada sa mga MILF at MIFF na pumatay sa kanyang mga tauhan.


Heneral man siyang matatawag, subalit hindi rin niya ikinahiyang umiyak dahil sa karumal-dumal na pagpatay sa SAF 44.


Sa mata nina Juan at Maria, dagdag pogi points ang pagtangis ng police general na nasaksihan ng milyong viewers ng live Senate inquiry.


Hindi nakabawas, kundi ito’y maging daan para siya ang i-appoint na PNP chief ni Pangulong Aquino, ayon sa Camp Crame source.


Si Espina na, kwento ng source, pero dahil siya’y magreretiro sa Hulyo, may posibilidad na madiskaril pa rin ang kanyang appointment.


May posibilidad na makuha ni Gen. Marcelo Garbo ang PNP chief position, pero ang problema, siya’y magreretiro na rin sa Marso 2016.


Isinasaalang-alang daw kasi ng Palasyo ang darating na May 2016 election.


Sa tingin ng Malakanyang, crucial ang panahon ng election kaya ang PNP chief na dapat matalaga ay magreretiro pagkatapos ng halalan.


Si Gen. Raul Petrasanta ang napipisil ng Pangulo, pero siya’y suspendido ng Ombudsman kaya out ito sa listahan.


Kung beyond May 2016 ang nais ng Palasyo na itatalagang PNP chief, si CIDG director Benjamin Magalong ang number 1 contender.


Ito’y dahil si Magalong ay magreretiro sa 2017, ayon sa source.

Si Gen. Ricardo Marquez ay isa rin sa nangungunang contender dahil, tulad ni Magalong, siya’y magreretiro pagkatapos ng 2016 presidential election.


Sa limang pinagpipilian, wala pang nakasisiguro, dahil ang malinaw lang sa ngayon sila’y mga contender, ayon sa ating source.


MAYOR OCAMPO, KILOS!


Pakiwari natin, itong si Mayor Sammy Ocampo ay tuod dahil hanggang ngayon, hindi inaaksyunan ang sumbong na pergalan ng isang Malou.


Ang pergalan ni Malou sa San Luis, Batangas ay puno ng larong sakla, beto-beto, color games, pula’t puti at kung ano-ano pang sugal.


Mayor, kilos ka naman. CHOKEPOINT/BONG PADUA


.. Continue: Remate.ph (source)



MAGALONG SA PNP CHIEF


No comments:

Post a Comment