Thursday, February 26, 2015

Ang pinakamabisang pamatay sa isyu ay pande-deadma!

DINEDEPENSAHAN ni Kim Chiu ang kanyang rumored boyfriend na si Xian Lim sa isyung kinasasangkutan niya sa Albay. Hindi man direktang binanggit ang name ni Xian sa kanyang Twitter Account pero kumokonek naman ito sa sitwasyon.


“Just a thought… ‘Wag po sana tayo mag-judge agad ng tao, lalo na po, if wala tayo mismo roon.”


May quotation pa siyang inilagay na “There are three sides to every story. My side of the story with the information I have. Your side of the story with the information you have. And the side of the story that has all the information.”


Pak!


-0o0-


Ang pinakamabisang pamatay sa isyu ay ang pande-deadma. Gaya ng ginagawa ni Benjie Paras na ayaw patulan ang mga bagong patutsada ng estranged wife niyang si Jackie Forster sa Instagram. Move-on ang palaging sinasabi ni Benjie at inaalala na lang ang kapakanan ng anak nilang sina Kobe at Andre.


Tuwing may mga ganitong isyu na ipino-post diumano ni Jackie ay mga anak nila ang tinutukso kaya deadma na lang.


Ayon naman sa post ni Jackie ang gusto lang niya ay bumalik ang mga anak niya at mahalin siya ulit.


Ilan sa post ni Jackie ay ang karanasan niya na ikinulong diumano sa bahay nila at daig pa diumano ang aso.


Bahagi pa ng post ni Jackie: “Benjie’s friends/team of people helped magnify things I was supposedly doing kasi may connections siya at sya ang may pera, I will admit what I have to I can move forward with my beautiful family. And so the puzzle pieces will finally all fit. I no longer want to carry this around. I deserve my peace and to enjoy my happiness.”


-0o0-


Ang haba ng hair ni Kris Aquino sa rebelasyon niyang nag-propose sa kanya si Mayor Herber Bautista mga first week of April nerly a year ago.


“He said, walang romance, walang lokohan, walang bolahan. Okay na raw ba ‘ko to marry him kasi nga pagod na siya?


“I remember laughing and saying that was probably the least romantic proposal any woman has ever received, but because we were so similar in our weirdness, I was in agreement; I wanted to grow old with him because I knew we’d never be bored conversing, and maybe this was where God led two individuals who deserved a chance at life-long companionship with maturity, and full acceptance of equally colorful pasts.”


Ano ang motibo ni Kris sa pagbubunyag niyang ito hanggang sa paghihiwalay nila? Bakit kailangang maungkat ulit ang nananahimik na nilang relasyon? May gusto ba siyang patunayan?


Just asking?


-0o0-


Namamayagpag ngayon bilang pinakapinanonood na daytime TV program sa bansa ang feel-good series ng ABS-CBN na “Oh My G” na pinagbibidahan ng Kapamilya teen star na si Janella Salvador. Patunay rito ang datos mula Kantar Media noong Huwebes (Pebrero 19) kung kailan naging pang-anim sa listahan ng most-watched TV shows sa Pilipinas ang “Oh My G” taglay ang pinakamataas nitong national TV rating na 18%.


Samantala, tiyak na mas kapananabikan ng mga manonood ang pagpapatuloy ng “Oh My G” ngayong susundin na ni Sophie (Janella) ang payo ni G (God) na gawin ang huling habilin ng kanyang ama na si Paul (Eric Quizon) na hanapin ang misteryosong babaeng nagngangalang Anne Reyes. Ano nga ba ang mayroon kay Anne at bakit itinatago ng kanyang tiyuhin na si Santi (Dominic Ochoa) ang katotohanan tungkol sa pagkatao nito? Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng feel-good drama series na magtuturo ng kahalagahan ng pananalig sa Diyos, “Oh My G,” araw-araw bago mag-“It’s Showtime” sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN. XPOSED/ROLDAN CASTRO


.. Continue: Remate.ph (source)



Ang pinakamabisang pamatay sa isyu ay pande-deadma!


No comments:

Post a Comment