IBINASURA ng Quezon City court ang petisyon ng 11 sa 12 akusado ng kontrobersiyal na Maguindanao Massacre case matapos makakita ng ebidensiya ang korte na nagdidiin sa mga ito sa kasong pagpatay kaugnay ng naganap na insidente.
Sa 11-pahinang omnibus order na ipinalabas ni QC RTC branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes, hindi inaprubahan ang bail petitions ng mga akusadong sina Armando Ambalgan, Misuari Sinsuat Ampatuan, Modades Ampatuan, Salik Bangkulat, Taya Bangkulat, Macton Bilungan, Mohamad Datumanong, Moactur Daud, Nasser Esmael, Sonny Pindi at Salipada Tampogao.
Gayunman, inaprubahan naman ni Reyes na makapagpiyansa ang akusadong si Datutuhon Esmael makaraang hindi ito kilalanin ng 14 na saksi sa krimen na isa siya sa nasa likod ng naturang masaker.
Bunga nito, pinayagan ng korte si Esmael na makapagpiyansa ng halagang P200,000 sa kada bilang ng kanyang kasong 58 counts ng murder.
Sinasabing ang 11 akusadong nabanggit ay bahagi ng mga taong nangasiwa sa checkpoints sa kahabaan ng Isulan papunta sa Shariff Aguak.
“These alleged CVOs were seen in the mountains of Sitio Masalay, at the time and place where the alleged killing occurred. Taken together, all of these alleged participation weigh heavily against the granting of the petition for bail of accused as that show strong evidence of their guilt,” nakasaad sa kautusan ni Reyes. SANTI CELARIO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment