Thursday, February 26, 2015

1M pirma, kinakalap para magbitiw si PNoy

PATULOY ang pangangalap ng isang milyong pirma mula sa mga residente ng Quezon City ang ng alyansang Power QC para sipain at pababain sa puwesto si Pangulong Noynoy Aquino.


Sinabi ni Power QC convenor Prof. Malou Turalde, “Marami na ring mga issue na kinasasangkutan ang ating Pangulo at kumbaga kailangan na rin naming magsalita.


“Plano ng grupo ay kumalap ng isang milyong lagda, isang milyong sinatures to signify na may mga tao na ring diskontentado sa kanya (Aquino)… Gusto lang naming ipakita na from below, it is very palpable that there are people already na hindi na nagugustuhan ang nangyayari.”


Una na ring iginiit ng tagapasalita ng alyansa na si Atty. Anet Maguigad na kabilang sa “seven sins” Palasyo ang:


– umano’y maanomalyang Disbursement Acceleration Program (DAP);


– taas-pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT);


– kaliwa’t kanang demolisyon;


– K+12 program at pagtataas ng matrikula;


– dagdag-singil sa tubig;


– pagmahal ng singil sa kuryente; at


– sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao na ikinamatay ng 44 pulis.


Patungkol naman ni Turalde sa mga nabanggit na pagkukulang umano ni PNoy, “Patong-patong na, one after the other, one bungle after another.”


Target din ng kampanya ng grupo na hikayatin ang ibang siyudad at bayan na maglunsad na kaparehong kampanya.


Nilinaw naman ng Power QC na hindi nila suportado ang pagpalit ni Vice-President Jejomar Binay bilang Pangulo sakaling mapatalsik si Aquino. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



1M pirma, kinakalap para magbitiw si PNoy


No comments:

Post a Comment