MANANATILI pa sa Philippine National Police (PNP) Gen. Hospital si dating Association of Philippine Electric Cooperatives (APEC) Party-list Rep. Edgar Valdez dahil sa hypertension.
Kinumpirma ito ni Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang matapos sumuko ang dating mambabatas nitong Miyerkules dahil sa kasong plunder sa kinulimbat umanong P57-milyong pork barrel.
Nilinaw naman ng hukom na ang pagpapagamot ng dating mambabatas sa PNP General Hospital ay may kaugnayan lamang sa iniinda nitong uncontrolled hypertension, at walang kinalaman sa magiging desisyon ng Sandiganbayan sa hirit ng akusadong madetine sa PNP Custodial Center.
Mananatili sa ospital si Valdez habang hinihintay ang desisyon ng korte.
Malinaw namang wala pa ngayon sa kustodiya ng PNP si Valdez. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment