INALMAHAN ni Pangulong Noynoy Aquino ang mga humaharang sa usapang pang-kapayapaan sa Mindanao.
Hindi pinalampas ng Pangulo ang pagbanat sa kanyang mga kritiko lalo ang mga grupong nananawagan ng kanyang pagbibitiw sa puwesto.
Ayon sa Pangulo, inaasahan na niya ang desperadong hakbang ng mga nasabing grupo na tila mas pabor sa kaguluhan sa halip na kapayapaan sa Mindanao.
Ayon sa Pangulo, huwag na sanang palagpasin pa ang pagkakataon na abot-kamay na ang inaasam-asam na kapayapaan sa Mindanao.
Ayaw nang pag-aksayahan ng panahon ng MalacaƱang ang mga kritiko ng Pangulong Aquino partikular ang mga kaanak na sina Peping at Tingting Cojuangco na humihiling ng resignation nito.
Sinabi ni Presidential Communications Sec. Sonny Coloma, Jr., walang patutunguhan at hindi magtatagumpay ang mga pagkilos laban sa gobyerno na pinatunayan ng aniya’y nilangaw na kilos-protesta noong Linggo.
Ayon pa kay Coloma, hindi rin apektado ang Pangulo sa pagsusuot ng t-shirt ng mag-asawang Cojuangco na may litrato ng mga magulang ni PNoy at may takip ang mga mukha. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment