ISANG pagsabog ang naganap sa parking lot ng ACLC campus sa Bgy. Sto. Rosario, Angeles City, Martes ng gabi.
Sa report ng pulisya, sugatan ang apat na katao nang may naghagis ng isang bagay na sumabog na ikinasira pa ng dalawang kotseng nakaparada malapit sa pinangyarihan.
Kinilala ang mga biktimang sina Nolaid Cayanan, 44, ng Bgy. Manibaug, Porac; Julie Ann Garica, 29; Maries Sorima, 17; kapwa saleslady at residente ng Bgy. Amsic; Michelle Gadi, 14, ng Bgy. Paralaya, Porac.
Ayon sa mga nakasaksi, isang lalaki ang lulan ng isang tricycle ang nakitang may inihagis na isang bagay sa naturang parking lot na biglang sumabog.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng kapulisan upang matukoy ang responsable at motibo sa nangyaring pagpapasabog. GARY BERNARDO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment