PATONG-PATONG na kaso ang nakatakdang ihain sa isang matandang lalaki matapos paulit-ulit na gahasain at mabuntis pa ang kanyang stepdaughter sa Lucena City, Quezon.
Napag-alamang hindi na nakatiis ang 26-anyos na biktima na magsuplong sa mga pulis hinggil sa panghahalay sa kanyang 61-anyos na kinakasama ng kanyang ina.
Ayon sa biktima, 21-anyos nang siyang simulang gahasain ng suspek at mula noon ay paulit-ulit umano siyang inaabuso hanggang sa mabuntis siya.
Tinakot umano siya ng suspek na papatayin maging ang kanyang ina oras na magsumbong siya sa mga pulis.
Matapos manganak, muli na naman umano siyang ginahasa ng salarin at ngayong dalawang taon na ang kanyang anak na bunga ng panghahalay ng suspek ay muli na naman itong nabuntis.
Kahit buntis na umano ay ginagamit pa rin siya ng suspek kung kaya naglakas-loob na ang biktima na magtungo sa PNP.
Agad naman na nagsagawa ng follow-up operation ang awtoridad sanhi ng pagkakahuli sa suspek. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment