Thursday, January 2, 2014

Zapanta blood money, muling iaapela

Muling umapela si Vice President Jejomar C. Binay sa publiko na tumulong upang makakalap ng sapat na halaga para sa blood money ng Overseas Filipino Worker (OFW) na Joselito Zapanta na maaaring mabitay anumang oras ngayong buwan sa Saudi Arabia.



Nagbigay ng update si Philippine ambassador to Saudi Ezzedin Tago kay VP Binay na kailangan pang makakalap ang pamilya ni Zapanta ng SAR 1.48 million (P17.5 million) para makumpleto ang SAR 2 million sa pakikipagnegosasyon sa pamilya ng pinatay na biktimang Sudanese na si Imam Ibrahim..


“Once again, I ask everyone to help raise funds for Joselito. Let us start this year by helping save the life of a fellow Filipino and bringing joy to his family,” panawagan ni Binay.


Ang mga donasyon para kay Zapanta ay maaaring ipadala sa Riyadh Philippine Embassy’s sub-account sa Saudi Hollandi Bank na may account No. 037-040-790-022, International Bank Account No.(IBAN) SA 61-5000-0000-0370-4079-0022, Swift Code: AAALSARI. – Nannet Valle


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Zapanta blood money, muling iaapela


No comments:

Post a Comment