Thursday, January 2, 2014

Jn 2:29 – 3:6 ● Slm 98 ● Jn 1:29-34

Nakita ni Juan Bautista si Jesus na papalapit sa kanya. Sinabi niya: “Hayan ang Kordero ng Diyos, ang nag-aalis ng kasalanan ng mundo. Ito ang tinutukoy ko nang sabihin kong ‘Nagpauna na sa akin ang lalaking kasunod kong dumating sapagkat bago ako’y siya na.’ Hindi ko nga siya nakilala pero dahil sa kanya kaya ako pumaritong nagbibinyag sa tubig upang mahayag siya sa Israel.” At nagpatotoo si Juan: “Nakita ko ang Espiritu na bumababa mula sa Langit gaya ng isang kalapati, at nanatili sa kanya…”


PAGSASADIWA

Hayan ang Kordero ng Diyos. ● Sinasabi ni Juan na si Jesus “ang Kordero ng Diyos, ang nagaalis ng kasalanan ng mundo”. Kaya ipinahahayag ni Juan si Jesus bilang isang handog sa Diyos upang mapalaya tayo mula sa pagkaalipin ng kasalanan patungo sa buhay sa Espiritu, sa kapatawaran sa kasalanan, sa pakikipagkasundo sa Diyos. Ang kanyang karanasan kay Jesus ang nag-udyok kay Juan upang ipakilala sa atin si Jesus. Dapat makita ito sa ating mga buhay katulad ng sinasabi sa Unang Pagbasa: “…nagmula sa kanya ang sinumang gumagawa ng matuwid”.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Jn 2:29 – 3:6 ● Slm 98 ● Jn 1:29-34


No comments:

Post a Comment