Friday, January 17, 2014

Young ng Lakers, sinuspinde ng NBA

NEW YORK (AP)– Sinuspinde ng isang laro at walang bayad ng NBA ang guwardiya ng Los Angeles Lakers na si Nick Young kahapon dahil sa pagsuntok nito kay Goran Dragic ng Phoenix sa first half ng kanilang nagdaang laban.


Pinagmulta naman ang center ng Suns na si Alex Len ng $15,000 dahil sa kanyang Flagrant 2 foul laban kay Young habang $25,000 na multa naman ang kakampin nito na si Marcus Morris dahil sa kanyang pagsali sa gulo.



Si Young, umunday ng suntok sa nalalabing 7:33 ng second quarter sa 121-114 panalo ng Suns, ay hindi makapaglalaro sa paghaharap ng Lakers at Boston ngayong araw.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Young ng Lakers, sinuspinde ng NBA


No comments:

Post a Comment