Friday, January 17, 2014

Pinatay ang ka-live-in dahil magpapakasal sa iba

Ni Fer Taboy


Pinatunayan kahapon na mahirap takasan ang krimen lalo na kung ang konsensiya ang kalaban.


Ito ay matapos aminin ng isang 35 anyos na binata ang ginawang pagpatay sa dating live-in partner niya na natagpuan sa loob ng isang hotel sa Iloilo City noong Enero 13.



Matapos ang limang araw na pananahimik, inamin sa pulisya ng suspek na si Jay Razon, 35, ng Barangay Sum-ag, Bacolod City,ang ginawang pagpatay sa dating kinakasamang si Maria Alma,Tambalo sa Madia-As Hotel sa Iloilo City noong Enero 13.


Sa ginawang pag-amin ni Razon sa krimen sinabi nito na sinakal niya si Tambalo matapos magdilim ang kanyang paningin habang sila ay nag-uusap sa loob ng isang silid na kanyang inupahan.


Galit umano ang nangibabaw sa kanya ng sabihin ng biktima a magpapakasal ito sa iba habang nakakanlong na nag-uusap.


Ayon pa sa suspek, nakakanlong sa kaniya ang biktima nang sakalin niya ito hanggang sa mamatay.


Ipinagtapat sa pulisya ng suspek na malambing na sinabi ni Tambalo habang nakakanlong sa kanya na magpapakasal na ito sa Pebrero ngunit sa ibang lalaki.


Dalawang buwan umano nawalan ng komunikasyon ang dalawa matapos magtrabaho sa Metro Manila si Razon para mag-ipon upang yayain na niyang magpakasal si Tambalo.


Nabatid naman si Tambalo ay umuwi sa Antique noong Nobyembre at doon muli niya nakita ang dating nobyo na hindi na kinilala at inalok ang biktima ng kasal.


Noong Lunes sabik na nakipagkita ang suspek sa biktima upang sorpresahin at yayain na pakasalan.


Sa loob ng hotel nag-usap ang dalawa sasabihin na sana ng suspek ang kanyang plano ng unahan siya ng biktima ng kumandong ito sa kanya at sabihin na iyon ang kanilang pagkikita dahil magpapakasal na ito sa iba.


Habang malambing na sinusuyo siya ng biktima hinawakan naman nito ang leeg ng babae at sinakal.


Makalipas ng ilang araw na imbestigasyon ng Iloilo City Police sumuko ang suspek at inamin ang krimen.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pinatay ang ka-live-in dahil magpapakasal sa iba


No comments:

Post a Comment