Thursday, January 2, 2014

UPDATE: 2-anyos na biktima ng ligaw na bala pumanaw na

PATAY na ang 2-anyos na batang tinamaan ng ligaw na bala sa Laoag City.


Ani Mayor Melanie Valdez ng San Nicolas, Ilocos Norte, namatay na ang dalawang taong gulang na lalaki na tinamaan ng ligaw na bala sa Brgy. 3 ng nasabing bayan bago sumapit ang bagong taon.


Kinilala ang biktima na si Rhauz Angelo Corpuz.


Agad namang nag-alok ang alkalde ng reward money sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon hinggil sa nagpaputok ng baril na ikinamatay ng bata.


Ang biktima ay tinamaan ng stray bullet habang mahimbing na natutulog sa kanilang sala noong New Year’s eve.


Ang bata ay tinamaan sa sentido at tumagos sa kanyang ulo.


The post UPDATE: 2-anyos na biktima ng ligaw na bala pumanaw na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



UPDATE: 2-anyos na biktima ng ligaw na bala pumanaw na


No comments:

Post a Comment