POSIBLENG matuloy na ang pagbitay sa isang Pinoy sa Saudi Arabia ngayong buwan.
Kaya naman tuloy ang apela ng tulong ni Vice President Jejomar Binay para mailigtas ang overseas Filipino worker na nahaharap sa parusang bitay.
Nabatid na maaaring matuloy ngayong buwan ang pagbitay kay Joselito Zapanta, kapag nabigo ang pamilya nito na mabayaran ang hinihinging “blood money.”
Umaabot na sa P44 milyon ang blood money na hinihingi ng pamilya ng Sudanese na napatay ni Zapanta noong 2009.
Ilang beses na ring pinalawig ang deadline sa pagbayad ng blood money para sa pamilya.
The post Pinoy nakatakdang bitayin sa Saudi ngayong buwan appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment