UNITED NATIONS (Reuters)— Nag-warning shots ang U.N. peacekeepers upang itaboy ang mga mandirigma sa isang base ng United Nations sa South Sudan matapos umabot ang barilan sa compound, na ikinasugat ng mga sibilyan at ikinasawi ng isang nagpasaklolo roon, sinabi ng tagapagsalita ng U.N. noong Miyerkules.
Naganap ang insidente noong Martes sa U.N. peacekeeping base sa Malakal, isang major transit point at administrative center ng oil-producing Upper Nile State, sinabi ni U.N. spokesman Martin Nesirky sa mamamahayag. “The mission said that peacekeepers fired multiple rounds of gunfire to deter anyone engaged in fighting from coming too close to its base, in order to protect civilians,” aniya.
Sinabi ni Nesirky na pinoprotektahan ng U.N. peacekeepers ang mahigit 65,000 sibilyan na nagpapasaklolo sa mga base ng U.N. sa buong bansa.
Mahigit 400,000 katao ang lumikas sa kanilang mga tirahan dahil sa mga digmaan sa pinakabatang nasyon sa mundo, ayin sa world body.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment